Manila, Philippines – Inilunad ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang rabies free 2020 mobile application.
Ayon kay Dr. Maria Glofezita Lagayan, veterinarian ng Department of Agriculture, makikita rito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa rabies.
Aniya, 11 rehiyon sa bansa ang naitlang may mataas na bilang ng may mataas na rabies cases.
Itinaas naman sa P583 milyon ang pondo para sa rabies control program ng gobyerno sa susunod na taon mula sa P491 milyon nitong 2017.
Alinsunod sa Rabies Act of 2007, P2,000 ang multa sa pet owner na hindi pinababakunahan ang alagang hayop.
At sa bawat pagkakataong mahuling pagala-gala ang alagang hayop ng walang tali, P500 ang multa.
Facebook Comments