Isang 52-anyos na lalaki ang isinugod sa ospital matapos bugbugin ng magkapatid sa Brgy. Gusing, Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente sa mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng babaeng suspek, na isang 30-anyos na magsasaka.
Sa gitna ng diskusyon, agad tumakbo ang babae pauwi upang humingi ng tulong sa kanyang kapatid na lalaki.
Hindi nagtagal, bumalik ang magkapatid sa pinangyarihan ng insidente at bigla na lamang pinagtulungang bugbugin ang biktima gamit ang kahoy na kawayan at iba pang piraso ng kahoy upang paulit-ulit na hatawin sa ulo ang biktima.
Agad namang rumesponde ang MDRRMO ng Sta. Maria at isinugod ang biktima sa ospital dahil sa matinding sugat sa ulo.
Naaresto ng mga rumespondeng barangay official at pulisya ang magkapatid, at dinala rin sa ospital para sa kinakailangang medico-legal examination.
Ayon sa ulat ng attending physician na si Dr. Winnie N. Valdez, pare-parehong lasing ang lahat ng sangkot sa insidente.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Maria Police ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









