AWAY MAGKAPATID SA DAGUPAN CITY, NAUWI SA PANANAKSAK

Nauwi sa pananaksak ang mainit na sagutan ng magkapatid sa Bonuan Boquig, Dagupan City.

 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, parehong lasing ang 52 anyos na lalaking biktima at 47 anyos na lalaki nitong kapatid nang mangyari ang insidente.

 

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahil sa dati na rin alitan ng mga ito.

 

Hinihinalang may dalang steel pipe ang biktima at hinampas umano ang suspek sa ulo.

 

Tumakbo naman umano ang suspke at kumuha ng kutsilyo at saka sinaksak ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

 

Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

 

Agad naman na naaresto ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation at ngayon ay nasa kustodiya na ng Dagupan City Police Station. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments