Away ng Magkainuman, Nauwi sa Saksakan

Aurora, Isabela – Habang marami ang nagkakasayahan ay nagdadalamhati ngayon ang isang pamilya sa Barangay San Pedro San Pablo, Aurora Isabela.

Ito matapos napatay ng kanyang kainuman habang nagkakasiyahan sa kanilang lugar ang kanilang kaanak noong araw mismo ng Disyembre 25, 2017.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan News kay P/Supt Ronald Laggui ng Isabela Police Provincial Information Office, ang biktima at suspek ay masayang nag-iinuman sa bahay ng kanilang kaibigan sa naturan ding barangay nang sila ay magkaroon ng mainitang pagtatalo.


Hindi na umabot ng buhay sa hospital and biktimang si Orlando Mata, 44 anyos,may asawa at residente sa nasabing barangay matapos pagsasaksakin siya ng kainumang nakilala na si Carlito Dela Cruz, 28 anyos, may asawa at kabarangay din ng biktima.

Ang suspek ay agad ding nadakip ng PNP Aurora, Isabela at nakumpiska sa kanya ang ginamit na kutsilyo habang sa ngayon ay inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments