Away ng magkapatid na Marcos, patunay na kailangang maisabatas ang panukalang magbabawal sa political dynasties

Binigyang-diin ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co na napatunayan ngayon ang pangangailangan na maisabatas ang Anti-Political Dynasty Bill na makakatulong din upang mapuksa ang korapsyon at dayaan sa eleksyon.

Sabi ni Co, ang away sa loob ng pamilya Marcos ay pangunahing halimbawa na hindi dapat ginagawang negosyo ng pamilya ang paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Para kay Co, malinaw na ang sumisira sa pamilya Marcos at sa bawat pamilyang Pilipino ay ang pagkagahaman nila sa poder.

Paalala ni Co, hindi pamana na pinag-aagawan ang Malacanang o anumang posisyon sa pamahalaan.

Binanggit pa ni Co na ang pamilya na yumaman sa kaban ng bayan ay adik talaga sa kapangyarihan.

Facebook Comments