Away ni Pia Wurtzbach at kapatid nitong si Sarah, viral sa social media

85

Viral ngayon sa social media ang kapatid ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach matapos mag-post sa Instagram story ng mga maaanghang na salita at paratang patungkol sa beauty queen at sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Wurtzbach.

Sunod-sunod ang naging patutsada ni Sarah kay Pia at sa kanilang ina kung saan sinabihan niyang mabaho ang ugali ng dalawa.

Maliban dito, nagde-demand din si Sarah ng sorry mula sa kanyang nakakatandang kapatid.

Mula nang mag-viral ang mga post ni Sarah, agad itong nag-private ng kanyang account at sa ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizens ang dahilan ng kanilang away.

Facebook Comments