Manila, Philippines – Hindi manghihimasok ang Palasyo ng Malacañang sa batuhan ngayon ng putik sa pagitan nila Senador Panfilo Lacson at dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Matatandaan na kahapon sa privilege speech ni Lacson ay sinabi nito na tumanggap ng 100 milyong piso si Faeldon sa pagupo nito sa BOC at pinangalanan pa ang mga personalidad na aniyay sangkot sa Tara system sa Customs.
Kanina naman ay sinabi ni Faeldon na sangkot ang anak ni Lacson sa smuggling ng simento at mayroon siyang mga papeles para patunayan ito.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anomang imbestigasyon sa mga akusasyon laban kay Faeldon pero hindi aniya makikialam dito ang Malacanang at hahayaan nalang gumulong ang mga nakalatag na proseso.
Sa mga akusasyon naman ni Faeldon kay Lacson ay sinabi ni Abella na kailangan parin itong beripikahan at dapat ding dumaan sa masusing imbestigasyon.
Away nila Lacson at Faeldon hands off ang Malacañang, mga issue na ibinabato kailangang dumaan sa imbestigasyon
Facebook Comments