AWAY PAMILYA | Jenine Desiderio, hindi raw binati ng Happy Mother’s Day ni Janella Salvador

Manila, Philippines – Tila hindi pa rin nagkakaayos ang mag-inang sina Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Noong Linggo, May 13 ay nag-post si Jenine ng video sa kanyang instagram tungkol sa pagbati sa kanya ng kapatid ni Janella ng Happy Mother’s Day.

Isang netizen naman na fan ni Janella ang nagsabi sa seasoned singer-actress na siguradong binati rin siya ng personal ni Janella.


Pero sagot ni Jenine, “no, she didn’t.”

Last year pa nang mapabalita ang away ng mag-ina na base sa mga tweet ni Jenine at malaki ang kinalaman dito ng on screen partner at rumored boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona.

Facebook Comments