AWAY POLITIKA | Apat na barangay sa Quezon City, inilagay sa area of concern

Manila, Philippines – Inilagay sa areas of concern ang apat na barangay sa Quezon City.

Kabilang dito ang Barangay. Sto. Domingo, Barangay. Valencia, Barangay Nayong Kanluran at Barangay Pasong Putik.

Ayon kay Quezon City Police Department (QCPD) District Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, base sa kanilang monitoring, matindi ang away politika ng mga mag kakatunggali sa naturang mga barangay.


Sa Camanava naman, ayon kay Police Superintendent Victor Dulliyao ng Northern Police District (NPD), itinuturing na areas of concern ang tatlong Barangay sa Malabon ang Concepcion, Longos at Tinajeros.

Nananatiling mahigpit ang seguridad at mas lalo pang pinaigting ang police visibility sa naturang mga distrito.

Facebook Comments