Capiz City – Muling nakaligtas ang isang kapitan ng Barangay Agdahon, Cuartero, Capiz matapos na tambangan sa ikalawang pagkakataon.
Naganap ang insidente habang pauwi ang kapitan na si Francisco Degara Sr. kasama ang dalawang kaibigan na sina Daniel Umargas at Jomer Bustamante.
Tantiya ng kapitan, nasa lima ang mga suspek kung saan nagawa nilang makatakbo para hindi tamaan ng bala.
Aminado din ang kapitan na politika ang ugat ng pag-ambush sa kanya, dahil bago ang insidente ay marami na itong natanggap na death threat.
Facebook Comments