AWAY POLITIKA | Lalaki, sugatan matapos bugbugin habang nakapila para bumoto sa Basilan

Basilan – Sugatan ang isang botante matapos bugbugin ng tatlong lalaki habang nakapila para bumoto sa Campo Uno Elementary School sa Lamitan, Basilan.

Ayon kay Raffy Ismael, bigla na lamang siyang binugbog ng mga suspek sa hindi malamang dahilan.

Agad naman nadakip ng mga pulis ang isa sa tatlong suspek na si Aksan Malang at nagpakilala miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Giit ni Malang, hindi niya kilala ang biktima at nadamay lamang siya sa mga katabi niya na siyang nambugbog kay Ismael.

Nabatid na bago pa man magsimula ang botohan, maraming kaso na ng pambubugbog sa ibat-ibang polling precincts ang naiulat sa command center sa Basilan.

Hinikayat naman ni Provincial Election Supervisor, Atty. Roberto Dela Pena, ang mga biktima ng ganitong mga insidente na magsampa ng kaso.

Facebook Comments