Calabarzon – Patay ang isang nanalong Barangay Chairman matapos na pagbabarilin sa Barangay Pinagtung-Ulan, San Jose, Batangas kaninang umaga.
Kinilala itong Demetrio Mendoza Deomampo, 51, Newly Elected Barangay Chairman of Barangay Buso-buso, Laurel, Batangas
Sa ulat ni Calabarzon Regional Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar sakay ng Isuzu Hilander na may PN-VAB761 ang biktima galing sa kanyang bahay nang pagbabarili ng mga naka-motorsiklong mga suspek gamit ang Kalibre 45 baril.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima.
Dumating agad ang PNP SOCO sa pinagyarihan ng krimen habang nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at motibo sa pamamaslang.
Facebook Comments