
Napapabayaan na umano ang pagbibigay serbisyo sa taumbayan dahil sa gulo sa politika.
Nagsama-sama kanina ang iba’t ibang grupo ng consumers at commuters sa Lungsod ng Quezon City upang ilunsad ang grupong kilos konsyumer-Komyuter o Komyuter PH.
Layon ng grupo na orginisahin ang mga consumer at commuter sa grassroots level upang igiit sa mga nasa gobyerno na dapat asikasuhin ang kalagayan ng naturang sektor.
Habang nagbabangayan ang mga pulitiko, nakakaligtaan na umano ang kanilang responsibilidad na kalingain ang mga ordinaryong mamamayan, gaya ng mga consumers at commuters.
Tama na umano ang sarswela sa politika at simulan nang magtrabaho para sa kapakanan ng tao.
Nakikita rito ng grupo na mahina umano ang boses ng mga mamamayan kung kinakailangang magkaroon ng daluyan ng tinig ng mga ordinaryong mamamayan sa pagbalangkas ng mga polisiyang pang ekonomiya.
Pero pagdating umano sa isyu ng impeachment ni VP Sara Duterte, hindi umano sila makikisangkot.
Bukas naman umano ang grupo na makipag diyalogo sa mga sangay ng gobyerno,gaya ng LTFRB upang ilapit ang kanilang mga hinaing










