AWAY-PULITIKA | Presidente ng LMB sa Angadanan, Isabela, nakaligtas sa panananambang

Isabela – Maswerteng nakaligtas ang presidente ng Liga ng mga Barangay (LMB) sa Angadanan, Isabela matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Sa ulat, galing sa isang handaan si LMB President Reynaldo Panganiban at papauwi na sana ito ng tambangan ng mga suspek sa isang tulay sa Ingud Norte.

Nakaligtas naman si Panganiban at ang dalawang gulong lang ng kanyang sasakyan ang tinamaan.


Nabatid na matagal nang may banta sa kanyang buhay ang kapitan at maaaring pulitika ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments