Quezon City – Patay ang isang guwardiya sa Quezon City matapos barilin ng kapwa niya sekyu matapos umanong magtalo tungkol sa duty ngayong paparating na holiday.
Kinilala ang nasawi na si Jonas Paredes Sabellina, 40-anyos, head guard na nakadestino sa loob ng isang compound sa payatas road sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakaalitan ni Sabellina ang kapwa guwardiyang si Lennel Mejos at humingi ng tulong sa kapwa guwardiya na naka-duty na si Marjon Cantila, na noon ay armado ng 9mm na baril.
Nagpaputok umano si Cantila ng warning shot pero lumapit pa rin daw si Sabellina at nakipag-agawan ng baril hanggang sa mabaril si Sabellina.
Agad na tumakas si Cantila pero iniwan nito ang ginamit na baril.
Sa ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga awtoridad.