AWAY SA LAMAY NG DALAWANG LALAKI, NAUWI SA PANANAKSAK

Sugatan ang isang 42 anyos na lalaki matapos itong saksakin ng isa pang 55 anyos na lalaki.

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, sumanggani ang Brgy. Kagawad sa Brgy. Castro, Sudipen, La Union matapos ang kaguluhan ng dalawang sangkot sa lamay ng kapitbahay.

 

Natigil ang sagutan ng dalawa bagamat nasundan muli nang magkita ang mga ito habang sila papauwi.

 

Muling nagkainitan at nagkasagutan ang dalawa, at dito na hinugot ng suspek ang nail cutter sa kanyang bulsa at sinaksak sa biktima ng dalawang beses.

 

Nagtamo ng sugat ang biktima na agad ding naisugod sa pagamutan.

Facebook Comments