AWAY SA SABONG? | Dalawang lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Taguig City

Taguig City – Patay ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin sa Snake Road, Pulong Kendi, Barangay Sta. Ana, Taguig City.

Nakilala ng mga nasawi na sina Rodel Dizon at Arkam Ramos Seguna.

Ayon sa mga kaanak ni Dizon, magkaibigan at laging magkasama ang mga biktima.


Blangko naman sila sa motibo ng pamamaril pero ayon sa biyenan posibleng away sa sabong ang dahilan ng krimen.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang dahilan ng krimen at iniimbistigahan na din kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Facebook Comments