Gustong ipa-ban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpapatugtog ng kantang “Amatz” ng rapper na si Shanti Dope.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino – may lyrics kasi ang kanta na nagpapahiwatig ng nakaka-high na epekto ng marijuana.
Pangamba pa niya na mas makakahikayat pa ito ng maraming kabataan na gumamit ng droga lalo na at maraming fans ang rapper.
Sumulat na ang PDEA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pati na rin sa organisasyon ng mga Pilipinong mang-aawit para pagbawalan ang pag-ere ng “Amatz” sa radyo at telebisyon.
Facebook Comments