Awiting kundiman, magiging tampok sa ikaapat na SONA ng Pangulo, Philharmonic Orchestra, magtatanghal

55

Itatampok sa pagsalubong sa ika-apat na SONA ni Pangulong Duterte ang mga awiting naging bahagi na ng kasaysayan ng bansa.

 

Ayon kay Cultural Center of the Philippines President Arsemio Lizaso, magtatanghal ang Philharmonic Orchestra at kundiman ang kanilang aawitin para sa mga panauhin.


 

Pupuwesto ang mga ito sa main lobby ng Mababang Kapulungan kung saan magsisimula silang magtanghal ganap na alas dos ng hapon hanggang bago magbukas ang Joint Session ng 18th Congress.

 

Libre din ang kanilang gagawing pagtatanghal sapagkat marami ang hindi nakakapunta sa CCP upang manood ng kanilang mga itinatampok kaya ang CCP ang kanilang dinadala sa mga tao.

 

Nauna dito ay nagsagawa na ng inspeksyon ang mga taga CCP sa Kamara para sa kanilang pupuwestuhan at mga guidelines sa araw ng SONA.

Facebook Comments

From Advertisers