“AWKWARD” | Liza Soberano, aminadong nagkaroon rin ng mga insecurities

Manila, Philippines – Aminado si Liza Soberano na nagkaroon rin siya ng mga insecurities kahit na isa siya sa pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.

Kuwento ni Liza, naging “awkward” din para sa kaniya nang unang beses siyang tubuan ng taghiyawat at dahil na rin sa pagiging mataba.

Pero kalaunan ay natutunan naman raw niyang mahalin ang kaniyang sarili.


Dagdag pa niya, natatawa na lang siya tuwing nakakakita ng mga dati niyang larawan.

Kasabay nito, sinabi ni Liza na looking forward na siyang magkapagbakasyon ulit sa December kaya pinaghahandaan na niya ito.

Facebook Comments