Awol na pulis, pinagbabaril sa Maynila

157
Manila, Philippines – Pulis na ayaw magpatapon sa basilan, nag awol ,patay matapos pagbabarilin ng di nakilalang salarin sa lungsod ng Maynila.
 
Pasado ala sais kagabi, nasa labas ng bahay sa bloc 9 Baseco compound port area si P01 Jerald Paguinto nang sumulpot ang gunman saka ito pinagbabaril.
 
Naglakad lamang palayo sa crime scene ang suspek matapos ang pamamaril.
 
Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at apat sa katawan si Paguinto.
 
Nakakuha ang SOCO team ng limang basyo ng bala ng kalibre 45 sa crime scene.
 
Si Paguinto ay miyembro ng  Quezon City Police Statolion at nakatalaga sa  Talipapa Police Station.
 
Suspek din si Paguinto sa pambubugbog at pagpatay sa
68  anyos na si Jolito Ramos noong Marso a kinse.
 
Nakita ang pulis na nagsakay sa kaniyang motorsiklo sa nasabing senior citizen.


Facebook Comments