AWOL na pulis, tiklo dahil sa ilegal na droga

Las Piñas City – Arestado ang isang AWOL na pulis matapos makuhaan ng ilegal na droga sa Barangay Almanza Uno, Las Piñas City.

Kinilala ang pulis na si Police Corporal Alejandro Hernandez at kasama nito na si Rey Servito.

Lulan noon ng motorsiklo si Hernandez at Servito nang pahintuin sa checkpoint.


Nang inspekyunin ang motor, nakuha sa dalawa ang tatlong sachets ng hinihihalang shabu, isang weighing scale at improvised tooter at kutsilyo.

Inamin naman ni Hernandez na gumagamit ito ng droga.

Nahaharap ito sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Omnibus Election Code.

Facebook Comments