Awooo Grilled Burgers and Sandwiches, nagsimula lamang sa P1,000 na puhunan

47

Kahit tapos na ang Mother’s Day ay pwede pa rin namang mag-celebrate sa loob ng bahay at magpa-deliver ng giant pizza burger.

Kagaya na lamang ng tampok ngayon sa Business as Usual na ipinagmamalaki ng Awooo Grilled Burgers and Sandwiches dahil sa size nito na pang 4 hanggang anim na katao.


Ayon sa may-ari na sina Ronain at Elizabeth Austria, nagsimula ito bilang food trip na nagustuhan naman ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Dagdag pa ni Ronain, wala pa sa ₱1,000 ang kanilang naging puhunan at dahil sa pagti-tiyaga at maayos na pag-ikot ng pera ay marami na silang mga suki at sa ngayon ay nag-aalok na rin sila ng delivery.

Facebook Comments