AWTORIDAD, IPAGBABAWAL ANG PAGLIGO SA ISANG ILOG SA SAN JACINTO UPANG MAIWASAN ANG INSIDENTE NG PAGKALUNOD

Mahigpit na babantayan ng awtoridad ang bahagi ng Angalacan River sa Brgy. Pag-Asa, San Jacinto, Pangasinan kasunod ng naitalang insidente ng pagkalunod ng isang menor edad.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay San Jacinto Police Station Duty Officer PCpt. Sherwin R. Sinang, nakatakdang maglagay ng signage ang awtoridad na nagsasaad ng pagbabawal sa pagligo roon.

Kasunod ito ng naiulat na pagkasawi ng isang menor de edad matapos itong maligo at hindi namalayang napunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Itinakbo pa ito sa pagamutan bagamat sa kasamaang palad ay idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments