AWTORIDAD, NAGBABALA SA MGA SANGKOT SA BOMB THREAT

Nagbabala ang awtoridad sa mga indibidwal na may pakana o nasasangkot sa mga bomb jokes.

Kasunod ito ng naiulat na umano’y nilagay na pitong bomba sa loob ng isang unibersidad sa Dagupan City.

Sa panayam kay Dagupan City Officer-in-Charge PLtCol. Lawrence Keith Calub, mananagot ang sinumang mapatunayang nasa likod na mga bomb threats

Samantala, tiniyak ng awtoridad na hahanapin ang nasa likod ng isang dummy account na nagpakalat ng bomb threat at nagdulot ng takot sa publiko at kahaharapin ang kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments