Nagbigay paalala ang awtoridad sa seguridad ng mga tahanan ng mga residenteng pansamantalang iiwan ang mga bahay o magbabalak na lumikas dahil sa nararanasang sama ng panahon.
Halimbawa na lamang sa bayan ng Mangaldan, nagpaalala ang Acting Chief of Police ng PNP Mangaldan na si PLTCOL. Perlito Tuayon na dapat na tiyakin ng mga residente na sarado ang mga bahay upang maiwasan ang pagnanakaw ng mga kawatan.
Wala umanong pinipiling panahon ang mga masasamang loob kaya mainam na maging alerto at siguruhing sarado ang lahat ng bintana at pinto ng mga bahay.
Nagbigay katiyakan naman ito na patuloy na nag-iikot at nagbabantay ang hanay ng kapulisan sa lahat ng mga barangay lalo ngayong masama ang panahon.
Tuloy-tuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga barangay at mga sangay na ahensya ng lokal na gobyerno para sa pagbibigay tulong sa mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









