Mahigpit na nagpapaalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Binmaley sa mga beachgoers na magsagawa ng ibayong pag-iingat habang bumibisita at naliligo sa Binmaley Beach.
Ayon kay Binmaley MDRRMO Officer-in-Charge Aleah Delos Angeles, mahigpit nilang ipinatutupad ang curfew sa paglangoy sa dagat, na itinakda mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi lamang.
Bagama’t ligtas ang mga naitalang insidente ng muntikang pagkalunod sa mga nakalipas na araw, binigyang-diin ng opisyal na ang kooperasyon ng publiko ay mahalaga upang maiwasan ang anumang aksidente.
Ayon sa ulat, inaasahang patuloy na dadagsa ang mga beachgoers hanggang sa araw ng Linggo, kaya’t pinalalakas ang pagbabantay ng mga tauhan ng Bantay Dagat. Patuloy rin ang kanilang paalala na sundin ang mga ipinatutupad na patakaran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨