AWTORIDAD, NANAWAGAN NA IMONITOR ANG KALAGAYAN NG MGA FARM ANIMALS NGAYONG MAINIT ANG PANAHON

Dapat rin umanong pakatutukan ang kalagayan ng mga alagang hayop sa mga farm ngayong nararanasan ang mainit na panahon ayon sa Office of Pangasinan Provincial Veterinary Office (OPVet).

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Arcely Robeniol, bukod sa mga alagang hayop sa bahay ay dapat rin umanong maalagaan at matingnan sa mainit na panahong ang mga hayop sa farm.

Inihayag rin nito ang mga sintomas ng heat exhaustion at heat stroke sa mga hayop tulad ng matinding paglalaway at hindi mapakali o hindi komportable sa kanilang kalagayan.

Dapat umano na laging mayroong nakalaan na tubig para sa mga ito upang hindi makaranas ng dehydration.

Patuloy ang pagbibigay rin umano ng tanggapan ng mga advisory online nang sa gayon ay laging update ang mga pet owners sa kahalagahan ng pangangalaga ng mga alagang hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments