Mga deputy ng mga nasuspindeng NFA warehouse managers ang binibigyang awtoridad ng NFA Council para mapadali ang muling pagbubukas ng mga saradong bodega ng NFA.
Nasa 99 NFA warehouses ang nanatiling sarado matapos suspindihin ng Ombudsman ang 141 NFA managers at empleyado sa gitna ng mga alegasyon ng maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stocks.
Inalis na ng Ombudsman ang suspensiyon ng 20 na empleyado ng NFA mula nang ipataw ang preventive suspension noong Marso 4.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., na siya ring namumuno sa NFA Council, na ang muling pagbubukas ng mga naka-padlock na bodega ay makatutulong na gawing normal ang operasyon ng ahensya, na nagsimula nang bumili ng palay mula sa mga magsasaka.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ang NFA ay dapat magpanatili ng buffer stock na sapat para sa 9 na araw na pagkonsumo upang magkaroon ng mga kinakailangan sa suplay ng bigas sa panahon ng kalamidad at iba pang natural na kalamidad.