Umapela ang Department of Energy sa Kongreso na mabigyan sila ng awtoridad para suspendihin ang excise tax sa langis.
Sa gitna ito ng sunod-sunod na taas presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nakikipag-usap na sila sa ngayon sa Department of Finance para sa posibilidad na pansamantalang suspendihin ang excise tax.
Sa kabila niyan, iginiit ni Cusi na kinakailangang magpasa ng Kongreso ng isang batas ukol dito at hindi maaari na maglabas lamang ng isang Executive Order ang pangulo.
Samantala, sa susunod na dalawang buwan ay wala nang nakikitang malakihang taas presyo sa produktong petrolyo ang DOE.
Facebook Comments