AWTORIDAD, PATULOY ANG PAALALA SA MGA MOTORISTANG DUMADAAN SA VILLAVERDE ROAD SA SAN NICOLAS

Patuloy ang pagbibigay paalala at abiso ng San Nicolas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga opisyal ng Barangay Sta. Maria East sa mga motoristang dumadaan sa bahagi ng Villaverde Road.

Ayon kay Punong Barangay Francisco Florentin, mahigpit ang pagbabantay sa mga motorista lalo na sa bahagi ng kalsadang naapektuhan ng erosion.

Tiniyak ng MDRRMO ang kaligtasan ng mga motorista at residente sa pamamagitan ng regular na monitoring kada tatlong oras, hindi lamang sa nasabing kalsada kundi pati sa mga binabahang lugar at mga river system.

Sa kasalukuyan, bukas na muli sa lahat ng uri ng sasakyan ang Villaverde Road matapos itong pansamantalang isara kahapon bilang pag-iingat sa masamang panahon.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat at sundin ang mga inilalabas na abiso para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments