AWTORIDAD, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA LOCAL CAMPAIGN PERIOD

Eksaktong isang buwan bago mag-umpisa ang Local Campaign Period para sa Halalan 2025, puspusan na ang paghahanda ng awtoridad para sa seguridad at kaayusan nito.

Sa Marso 28, aarangkada na ang lokal na pangangampanya mula Gobernador hanggang konsehal sa buong bansa. Bagamat, mas pinaigting na ng pulisya ang kanilang pagbabantay noon pang umpisa ng election period ay mas hihigpitan nila ang pagbabantay ngayon, lalo na sa mga itinalagang yellow areas of concern.

Samantala, inihayag ng pamunuan ng Pangasinan PNP, na gagampanan nila ang kanipang tungkulin upang maging matiwasay ang pagsasagawa ng pangangampanya ng mga kandidato hanggang sa halalan.

Kamakailan, inihayag ng COMELEC Pangasinan ang kanilang intensyon na mabigyang seguridad ang mga national position aspirants na sila umano ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang maisangguni sa pulisya at LGU.

Paalala naman ng COMELEC Region 1 ang wastong paglalagay ng mga campaign materials upang mapangalagaan pa rin ang kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments