Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Mapandan na bukas na sa publiko ang isang awtorisadong Firecracker Station hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Matatagpuan ang pwesto sa kanto patungong Mapandan National High School kaya madaling makita ng mga nais bumili.
Ayon sa pamahalaan, ang istasyon ay awtorisadong magbenta ng mga paputok hanggang Disyembre 31 laman at hindi na pinapayagang magbenta alinsunod sa mga lokal na regulasyon para sa kaligtasan ng lahat.
Samantala, nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na sumunod sa wastong hakbang sa paggamit ng paputok at tiyakin na ligtas tuwing gagamitin ang mga ito.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng tanggapan na mapanatili ang kaligtasan ng mga residente, lalo na ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.










