AY ALAM MO BA? | Heath benefits ng kamatis!

Napakatanyag ng kamatis sa buong mundo, unang natuklasan ang kamatis sa South America, ang kamatis ay isang prutas dahil sa kaayusan nito, ngunit ibinilang ito sa gulay dito sa Pilipinas. Marami man ang may ayaw sa kamatis ngunit hindi nila alam na mayroon itong magandang naidudulot o naitutulong sa ating katawan.

Narito ang mga benepisyo ng kamatis sa ating katawan:

1. Laban sa Cancer – Ang kamatis ay nagtataglay ng Lycopene na maaaring maging responsible para sa anticancer, ayon sa pag-aaral ipinakita na ang kamatis ay sangkap upang maging hadlang sa paglaganap ng ilang mga uri ng Cancer cell.


2. Umayos ang Presyon ng Dugo – Ang Lycopene sa kamatis ay ipinapakita din upang mabawasan ang presyon ng dugo. Ang potassium sa kamatis ay nagreregulates ng fluids at pinapanatili ang mineral na balanse.

3. Pagbutihin ang balat at malusog na buhok – Ang antioxidants sa kamatis, lalo na ang Lycopene ay ay lumalaban sa cellular na pinsala at pamamaga ng balat. Ang kamatis makakatulong na pagalingin ang malaking pores, paggamot sa acne, sunburn at mapurol na balat.

4.Nakakatulong sa panahon ng Pagbubuntis – Ang vitamin C ay isa sa mga nutrients sa anumang mga babae sa panahon ng pagbubuntis upang panatilihin ang kanyang sarili at ang kanyang anakna malusog. Ang kamatis ay pantulong upang magkaroon ng malusog na buto, ngipin at gilagid.

5.Mapaglinaw ang Paningin – Mayaman ang kamatis sa Vitamin A, kung kaya’t ito’y mahusay para sa mata. Ang retina sa mata ay umaasa sa vitamin A. Ang pagkakaroon ng mababang antas ng bitamina ay maaaring maging sanhi ng pagkabulag.

Featured story of Jeremie Escat & Aris Saygo

Facebook Comments