Ayala at Pangilinan, hindi parin off the hook kahit na humingi na ng paumanhin si PRRD sa mga masasakit na salitang binitawan nito

Ipupursige parin ng Duterte Administration ang mga isinampang kaso laban sa mga may-ari ng 2 water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Atty. Harry Roque tuloy parin ang kasong Syndicated estafa at economic sabotage sa 2 business tycoons matapos nilang gawing gatasan ng pera ang pamahalaan at ang sambayanang Filipino dahil sa disadvantageous o hindi kapaki-pakinabang na kontrata.

Matatandaang sa talumpati kagabi ng Pangulo pinasalamatan nya ang business tycoon na si Manny Pangilinan at ang Ayala clan sa pagtulong upang labanan ang Coronavirus disease crisis.


Humingi pa ng patawad si Pangulong Duterte kina Pangilinan at Ayala na noon ay makailang beses nyang namura dahil sa umano ay katiwalian

Nagpahayag din ang Pangulo ng kagustuhang makipag usap sa 2 business tycoons.

Facebook Comments