Aabot sa 450,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa United Kingdom-based AstraZeneca ang bibilhin ng Ayala Corporation bilang bahagi ng commitment nito na maibsan ang epekto ng pandemya.
Ayon kay Ayala President and Chief Operating Officer Fernando Zobel de Ayala, bawat dose ng AstraZeneca ay nagkakahalaga ng $5.50 o halos ₱265.
Ang kabuuang donasyon na ibibigay nila sa pamahalaan ay nagkakahalaga ng 120 million pesos.
Humiling ang pamahalaan na ang 50% nito ay mapupunta sa mga indibiduwal na mapipili nila, habang ang natitirang 50% nito ay mapupunta sa pribadong sektor.
Sinabi rin ni Zobel na tutulong ang pribadong sektor sa distribusyon ng bakuna, na mahalagang bahagi para matiyak na may access dito ang publiko.
Sa ngayon, nakapaggastos na ang Ayala ng nasa ₱12.7 billion para sa iba’t ibang COVID-19 response.
Mahalaga aniyang magtulungan ang gobyerno at pribadong sektor para maibsan ang epekto ng pandemya.