Iligan City – Humingi ng sorry ang alkalde ng municipality ng Lala, Lanao del Norte na si Allan Lim sa mga local media na nag-cover ng Alimango festival showdown kahapon.
Ito ay matapos itinaboy ng alkalde ang mga local media sa harap mismo ng grandstand sapagkat ayaw niya itong ipa-cover sa naturang event dahil exclusive lang umano ito sa isang national TV.
Sinabi ni Mayor Lim sa isang press conference na pawang na mis-interpret lang ng mga local media ang pagpapaalis niya sa mga ito sa pagtaas ng kaniyang boses dahil sa malakas na volume ng sound system.
Dagdag pa ng alkalde na bukas siya kahit sino mang o anong media outlet ang mag-cover sa kanilang event.
Pero ayon sa iilang local media, kasinungalingan ang pahayag ng alkalde sapagkat kung makapagtaboy sa mga ito ay pawang langaw na ayaw niyang ipadapo sa alimango sapagkat isang national TV lang ang kaniyang ipapa-cover sa Alimango festival showdown.