“AYAW MAKIALAM” | Senator Sotto at Pacquiao, hindi pipirma sa resolusyon kontra sa pagpapatalsik ng SC kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Walang balak sina Senate Majority Leader Tito Sotto III at Senator Manny Pacquiao na pumirma sa resolusyon na humihikayat sa Supreme Court (SC) na repasuhin ang pagpabor nito sa Quo Warranto Petition na nagpapawalang-bisa sa pagkakatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ngayon ay umaabot na sa 13 senador ang lumagda sa nabanggit na resolusyon na ngayong araw pa lang din planong isumite ng opposition senators.

Ayon kay Sotto, hindi sya lalagda sa nabanggit na resolusyon dahil ayaw niyang makialam sa sangay ng hudikatura.


Paliwanag naman ni Pacquiao, ang pagpirma sa naturang resolusyon ay tila kawalan ng paggalang sa pasya ng kataas taasang hukuman na patalsikin ang punong mahistrado.

Tanggap din ni Senator Pacquiao ang quo warranto petition bilang isang paraan ng pagpapatalsik sa punong mahistrado.

Ikinatwiran ni Pacquiao, na saka na lang sila kikilos o magpapasya kapag nasa kamay na nila ang impeachment case laban kay CJ Sereno na hanggang ngayon ay hindi pa rin isinusumite ng kamara.

Facebook Comments