Manila, Philippines – Ayaw munang makisawsaw ng Palasyo ng Malacanang sa isyu ng pambobomba ng US, France at UK sa Syria.
Pinangunahan kasi ng US ang airstrike sa Syria dahil umano sa pag-iingat at paggamit nito ng chemical weapon laban sa kanilang sariling mamamayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang prayoridad ng pamahalaan ngayon ay tiyakin ang kaligtasan ng humigit kumulang 1 libong mga Pilipino sa Syria at ito ngayon ang tinututukan ng Department of Foreign Affairs at iba pang kinauukulang tanggapan ng pamahalaan.
Pero sinabi din naman ni Roque na bilang miyembro ng United Nations ay kailangan tayong sumunod sa Charter nito kung saan makikita sa Chapter 7 na ang paggamit ng puwersa ay dapat dahil lamang sa pagtatanggol sa sarili o self defense o kung papayagan ng UN Security Council.
Pero mayroon din naman aniyang tinatawag na responsibility to protect.
Sinabi ni Roque, binabalanse pa nila ngayon ang mga ganitong pananaw kaya mas nakatuon ngayon ang gobyerno sa kapakanan ng mga Pinoy sa Syria.
AYAW MAKISAWSAW | Pambobomba ng US, France at UK sa Syria, hindi muna panghihimasukan ng Malacanang; Kapakanan ng mga Pinoy doon, tinututukan
Facebook Comments