Manila, Philippines – Ayaw ng ilang mga mambabatas na makialam pa sa ginawang pagbibitiw ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa pwesto.
Sinabi ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na hindi na dapat makisawsaw sa dahilan ng pagbibitiw ni Pulong.
Aniya, personal ang dahilan na ito na hindi na dapat pang pakialaman.
Samantala, nirerespeto naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang pagbibitiw ni Pulong bilang Bise Alkalde ng Davao City.
Ayon kay Alejano, karapatan ni Pulong na gumawa ng sa tingin niya ay tamang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa kanyang personal na isyu sa kanyang anak.
Facebook Comments