Manila, Philippines – Dumating sa bansa ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Worker na galing ng Kuwait.
Sinalubong ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Arnel Ignacio ang 260 OFWs na sakay ng flight PR 669 matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga.
Nang tanungin kung mayroon pa ba sa kanilang may nais na bumalik ng Kuwait, isang malakas na “wala na!” Ang isinagawa ng mga umuwing OFWs.
Bibigyan ng P5,000 financial assistance ng OWWA ang mga umuwing OFWs at P20,000 livelihood assistance para makatulong na makapagsimula sila ng maliit na negosyo.
Bukod dito, sa interview ng RMN, inihayag ni TESDA Deputy Director Alvin Feliciano na nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa libreng livelihood training para sa mga OFW na galing Kuwait.
AYAW NANG BUMALIK | Panibagong batch ng mga OFW mula Kuwait, dumating sa bansa
Facebook Comments