Piolo Pascual, ayaw nang gumawa ng teleserye

Ayaw nang gumawa ng aktor na si Piolo Pascual ng teleserye.

Paliwanag ni Papa P – may edad na siya at may iba siyang gustong gawin ngayon.

Aniya, sa loob ng halos sampung taon ay parehas na lang ang kanyang ginagawa kung saan walang bago kaya nagsasawa na siya.


Marami na rin kasing nagawang teleserye itong si Papa P. Sa loob ng 20 taon sa industriya.

Huling lumabas sa teleserye ang aktor noong 2018 kasama si Arci Muñoz.

Sa ngayon ay isa nang ambassador at producer si papa piolo.

Facebook Comments