AYAW PAG-USAPAN | Liz Uy, nanawagan ng privacy hinggil sa pagkakaroon nito ng anak

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ng privacy ang celebrity stylist na
si Liz Uy sa pagkakaroon niya ng anak.

Ito ang hiling ni Liz kung saan ayaw niya muna itong pag-usapan sa publiko.

Ayaw din muna niyang banggitin kung sino ang ama ng kaniyang anak basta at
naka-focus lang daw siya sa pag-aalaga dito.


Nabatid kasi na kaliwa’t kanan ang nagre-react sa celebrity stylist matapos
ang paglantad niya na isa na siyang ina dahil sa pagpost sa instagram
kasama ang anak.

Matatandaan na noong nakaraang taon, naging usap-usapan ang pagpunta ni Liz
sa amerika dahil nabuntis daw ito at doon na manganganak.
<#m_1673565024459104286_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments