Manila, Philippines – Mukhang ayaw patalo ng sexy actress na si Ellen Adarna sa babaeng kostumer na pinaghinalaan niyang kumuha ng paparazzi photos and videos niya habang kumakain sa isang ramen restaurant sa Makati.
Sa pinakabagong instagram story ni Ellen, iginiit niyang tama ang hinala niyang kinukuhanan siya ng video ng babaeng nakilala sa pangalang “Eleila”.
Say pa ng sexy actress, binalak pa niyang puntahan ang kostumer para ipabura ang video pero nag-desisyon siyang kuhanan na lang din ang babae.
Itinanggi na ito ng kostumer pero hindi pa rin naniwala si Ellen.
Balak rin daw niyang humingi ng kopya ng CCTV footage mula sa may-ari ng resto.
Facebook Comments