Manila, Philippines – Umani ng papuri mula sa mga residente ng Manila ang bagong format of programming ng DZXL ngayon.
Base sa panayam ko sa limang katao mula sa Paco, Sta Cruz, Tondo, Ermita at Malate Manila nakatutok na sa DZXL ang kanilang radyo simula umaga hanggang hating gabi dahil bukod sa mga sariwang balita at komentaryo napapakinggan pa nila ang mga magagandang tugtugin na kung minsan ay mga paborito nilang tugtugin ang kanilang napapakinggan.
Paliwanag nila sariwa at makabuluhang balita at napaka-informative umano ang mga laman ng balitang ipinupukol ng pinagkakatiwalaan nilang mga reporter ng DZXL.
Mungkahi nila, dapat mayroong mga talakayan ng mga sensitibo at makabuluhang isyu upang mabigyan sila ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa mga kaganapan sa loob at labas ng bansa.