‘Ayos ‘di ba?’ Agot Isidro, kinastigo si Villar sa isyu ng galunggong

Sumagot ang aktres at singer na si Agot Isidro sa ibinigay na suhestiyon ni Senador Cynthia Villar hinggil sa pagtaas ng presyo ng galunggong.

Ani Villar, huwag kumain ng galunggong kung namamahalan sa tinaguriang “poor man’s fish.”

“There are other alternatives na puwedeng gawin, bakit ba gustong-gusto n’yo ‘yong galunggong kung mahal ang galunggong,” pahayag ng senadora.


“Eh lalong na-eencourage ‘yong price increase. Bakit ‘di kayo kumain ng gulay. Mas healthy ‘yon,” dagdag pa niya.

Sa isang tweet, pinasaringan naman ni Isidro ang pangunguna ni Villar sa nakaraang eleksyon.

“Pilipinas, eto yung No. 1 Senator nung huling eleksyon oh. Ang ayos di ba?” saad ng singer sa post.

Umani ng 3.9K likes ang naturang tweet na sinuportahan naman ng maraming netizens na bumatikos din sa analohiya ng senadora.

“Super ayos! Sa sobrang ayos ng mga pinagsasabi n’ya, di ko maisip kung maaga lang ba syang nag-uulyanin o sadyang napaka-insensitive n’ya. Ewan na talaga sa mga mababatas ng Pilipinas,” komento ng isang Twitter user.

Facebook Comments