AYOS LANG | Loisa Andalio, tinawanan lang ang pagli-link kina Ronnie Alonte at Vice Ganda

Manila, Philippines – Tinatawanan na lang daw ni Loisa Andalio ang
pagli-link sa rumored boyfriend niyang si Ronnie Alonte kay Vice Ganda.

Say ni loisa, wala siyang nakikitang malisya sa closeness nina Ronnie at
Vice.

Sobrang bait daw kasi ni Vice kaya kampante si Ronnie sa kanya.


Katunayan, mama-mamahan daw niya si Vice.

Samantala, bagama’t sina Loisa at Ronnie ang magka-love team, hindi rin
maiwasang pag-usapan ang pagtatambal nila ni joshua garcia sa isang
teleserye, na dati ring na-link sa kanya.

Aniya, nasanay na siya na lagi silang magka-eksena at nagiging propesyunal
lang din sila sa trabaho.

Facebook Comments