AYOS NA! | Iwa Motto, tinawag na “real friend” ni Jodi Sta.Maria

Manila, Philippines – “You are a real friend.”

Ganito inilarawan ni Iwa Motto ang kapwa aktres na si Jodi Sta. Maria bilang isang kaibigan.

Sa isang sulat na binasa mismo ni Jodi sa isang morning show, binati ni Iwa si Jodi sa 20th anniversary niya sa showbiz sabay sabing happy at thankful siya na nakilala niya ang aktres.


Si Iwa ang partner ngayon ng dating asawa ni Jodi na si Pampi Lacson.

Kwento ni Jodi, nagsimula ang friendship nila nang manganak si Iwa sa anak nila ni Pampi na si Mimi matapos niya itong padalhan ng regalo.

Simula noon, nagdire-diretso na raw hanggang sa itinuring nilang pamilya ang isa’t isa.

Facebook Comments