AYOS! | Turkish Man, nagbenta ng 18 football players para makabili ng 10 kambing

Alam niyo ba, isang Turkish man ang nagbenta ng 18 niyang football players kapalit ng sampung kambing!

Ayon kay Kenan Buyukleblebi, Presidente ng Gulspor Football Club – wala na kasi silang nakukuhang suporta mula sa gobyerno kaya naisipan na lang nilang ipagbili ang mismong mga manlalaro nila.

Naibenta raw nila ang mga players sa halagang 15,000 Turkish lira na katumbas ng mahigit P130,000 na ibinili naman niya ng mga kambing.


Katwiran niya, sa loob lang ng anim na taon, posibleng umabot sa 140 ang bilang ng kanilang kambing at kikita pa sila ng P35,000 hanggang P44,000 kada taon mula sa pagbebenta ng gatas at karne nito.

Ang makukuha nilang pera ay gagamitin namang pantustos sa pangangailangan ng kanilang football club.

Facebook Comments