Nakahanda ang aabot sa ₱1.405 billion na halaga ng relief assistance para sa mga maapektuhan ng bagyong Rosita.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista – mula sa nabanggit na halaga, higit ₱465 million ay nakatalaga bilang stand by fund habang ang higit ₱411 million ay nakahanda bilang quick response fund.
May naka-antabay na kabuoang 371,763 family food packs na nagkakahalaga ng higit ₱135 million habang mayroong higit ₱800 million na halaga ng food and non-food items.
Patuloy na binabantayan ng mga quick response teams ang sitwasyon ng mga apektadong lugar.
Nakikipag-coordinate na rin sila sa Local Government Units (LGUs) para sa agarang paghahatid ng tulong.
Simula nitong Lunes ng Gabi, October 29 ang mga tauhan ng disaster management and response team ng DSWD Cagayan Valley ay on-duty na 24/7.